Hi… I am Marie Rose Tadtad and I am Real Person Talking to You at ako ang nasa Picture na nakikita mo!
From Tagbilaran City, Bohol Philippines
From Tagbilaran City, Bohol Philippines
W E L C O M E T O M Y B L O G
Isa akung Wife/ Fulltime Mom / Online Entrepreneur
E D U C A T I O N A L B A C K G R O U N D
I'm a College level taking up Computer Science in St. Judel Institute of Technology, Manila. ( hindi ako nakapagtapos ng pag aaral dahil narin sa Financial Problem)
F A M I L Y B A C K G R O U N D
Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid. May asawa na rin yung pangalawa sa kapatid kong babae at ang bunso ay nag trabaho narin bilang welder dito sa Pilipinas for experience.
Kagaya ng nasabi ko kanina isa narin akong Wife/ Fulltime Mom sa 2 years old son (King Rossbert at sa coming na nasa tummy ko pa 4months old May2017).
H O W I T U R N M Y S E L F T O B E C O M E A N O N L I N E E N T R E P R E N E U R
Lumaki kami sa Manila hanggang sa magkaisip kaming magkakapatid at merong mga negosyo sila mama at papa. Yun nga lang hindi nagtagal lalo na sa time na mas kailangan na namin kasi lumalaki narin ang gastos. Nasabayan pa ng pagkuha at pag gamit ng may ari sa lupang tinirhan namin. Imbes na mag rent ay naisipan nalang umuwi sa place ng mother ko sa Bohol dahil may lupa naman dun.
Nakitira muna kami sa kamag-anak at kapitbahay namin habang ginagawa pa ang bahay at dahil sa walang pinagkakakitaan at ako ang panganay nag pasya ako na mgatrabaho/ mag apply. Pero hindi naging madali ang lahat dahil new place/ dialect bisaya sinamahan ako nila mama at papa sa pag aapply hanggang sa matanggap ako. Sabi ko nung time na yun gagawin ko ang lahat para lang mabalik yung status at negosyo namin. Tumagal ako ng almost 7 years sa pag trabaho sa kilalang Mall dito sa Bohol ang Alturas pero nakita ko na mas bumabaon sa utang sila mama at wala man lang ako na save para sa sarili ko.
Kaya naisipan ko makipag sapalaran sa Cebu. Nagpalipat ako dun pero 5 months lang dahil hindi yun ang hinahanap ko na opportunity na lagi kung pinagdarasal kay God. Habang na invite ang ex- bf ko na hubby ko na ngayon sa isang MLM/ Networking nagustuhan kagad namin dahil mga kilalang produkto at nakita namin or na vision namin sarili namin. Pero dahil sa sobrang excited na akala namin madali lang ang lahat at kulang sa mentor at pag advice sa amin ay nag si alisan kaming dalawa sa trabaho namin para i fulltime ang business opportunity pag uwi namin sa Bohol dun na kami naka experience ng rejection, muntik na kaming itakwil sa mga pamilya namin at nabuo pa ang isang hindi namin na planuhan. Yun na nga na failed kami.. Pero dahil positive parin kami na eto yung makakapagbago ng status namin sa buhay naghanap parin kami hanggang maka 4 na company kami palipat-lipat.
Hangang may nakilala ako na isang Community kung saan nagtuturo kung paano magkaroon ng sariling Business Gamit ang internet na kahit isa akong fulltime mom, nandito lang sa bahay at merong ibang ginagawa pwede ko magawa yung Business ko dahil Merong AUTOMATED SYSTEM na tumutulong sakin. Marami akong natutunan at narealized sa mga na experience ko sa buhay.
Thankful ako dahil napasama ako sa Community na nagbibigay ng Value in Terms of Marketing. At hindi na kailangan ng Hyping/ Misleading info/ mga old school strategy.
It’s Me
Marie Rose Tadtad
Wife/ Fulltime Mom/ Online Entrepreneur
Wife/ Fulltime Mom/ Online Entrepreneur
For more info. Visit my Site
Facebook:==>> https://www.facebook.com/rosebertkirbe
Fanpage:==>> http://bit.ly/TeamTADTAD
My Website:==>> www.teamtadtad.blogspot.com
Facebook:==>> https://www.facebook.com/rosebertkirbe
Fanpage:==>> http://bit.ly/TeamTADTAD
My Website:==>> www.teamtadtad.blogspot.com
No comments:
Post a Comment